Bago umalis ng bahay…

pray_continually

 

 

 

 

 

<————-Ang Kristiyanong Marunong ay nagpe-PRAY bago umalis papuntang trabaho, school at lakarin!———>

 

[It’s simply way of acknowledging that God that is doing the protection and traveling mercies… God Bless you! Kung nakalimutan mo at andiyan kana, be thankful that God protected you. Have a nice day mga Kristiyanong Marunong!]

jesus saves car JesusCar

TAKE CARE SA INYONG PUPUNTAHAN 🙂
Advertisements

Ang Basahan…

Kahit nga ang  Basahan may basahan

purpose parin…

Mas lalo.. na ikaw na minahal at special na tao sa harap niya…

May purpose parin!!

Don’t think your self and

your life as RAGGED but think that you are God’s BELOVED!”

Ephesians 1:6

“To the praise of the glory of his grace, in which he has made us accepted in the beloved.” 

Jeremiah 29:11

For I know the plans I have for you,” declares the LORD, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.

Psalm 138:8

The Lord will fulfill his purpose for me; your steadfast love, O Lord, endures forever. Do not forsake the work of your hands.

Romans 8:28

And we know that for those who love God all things work together for good, for those who are called according to his purpose.

Top 10: Best 24 hours sa Mundo

24 clock angel

This edition of my blog ang pinakauna series of “TOP-silogs” mula sa akin. Narito ang TOP 10: Best 24 hours sa Mundo. Mga insights kung saan para sa akin ito’y best na nagamit sa mundong ito for 24 hours everyday!

1.) 24 hour HOSPITAL

– Paano nalang kung ang ating mga hospital, health facilities at mga health centers ay parang opisina na hangang alas-singko? Aber, kung may magkasakit, maaksidente, makagat ng asong ulol, mapoison sa panis na chesa, nakakain ng lego, nakaapak ng jackpot, nakoryente, nahulog sa puno ng kamatis, manganganak ng quadruplets 5:01? HAYAHAY! hehe… AMEN sa lahat nurses, doctors, med tech, rad techs, pharmacist, dieticians and all health care team ( esp., janitors, utilities) !

2.) 24 hour HOTLINES

Yep, kasama na diyan ung fire station, police, LPG, repair, LTO, koryente, tubig, customer care,  at iba pang ahensya na may landline or contact na 24 hour. Isama narin ang deliveries, at  prayer and counseling hotlines. They give their time to accomodate you as soon as possible.

3.) 24 hour BALITA

Kung walang balita, walang mailalathala, walang inpormasyon, walang malalaman ang tao. Kudos sa mga journalists! Kasama diyan ung mga totoong serbisyo ng mga weathermen, field reporters and newseekers, anchors, news writers, cameramen, lightmen, recorders at lahat ng mediamen sa TV, radyo, newspaper at internet. Balita ha? hindi tsismis 🙂 Puyatan ang puhunan!

4. ) 24 hour LIBAG productions

Magandang title ng production ng movie na comedy ahh.. hahaha! Siyempre, para maligo at maglinis ng katawan! Tandaan, everything works together for good. Walang essence ng kalinisan kung walang karumihan.

5. ) 24 hour Sanity

Alam kong sa dami ng kaguluhan sa mundong ito, mababaliw kana. “This world is so crazy!” But in all of these craziness, Malaking favor na ng Diyos sa atin that we have sound mind & sound heart! Ito siguro iyong nakakaligtaan na ipagpasalamat na pinapanatili ng Diyos ang sanity ng bawat minamahal niya. What if wala na ito sa mundo? malamang ito masasambit mo, “BRAAIInNNNzzz!” Zombie?? haha. Kung wala ito, walang direksyon ang tao.

6. ) 24 hour LEARNING

Learning is a continuous process. Di lang ito sa knowledge sa facts, concepts lessons na napagaaralan natin sa school. Kasama dito ang experiences in different kinds of situations facing 24 hours everyday. Pasalamat tayo kasi si Lord tinuturuan nya tayo araw araw at di siya magsasawa. Knowledge, experience, wisdom, application; kasama diyan ung success at failures na may kinalaman sa learning ay ipinagkakaloob ng Panginoon para mahubog ka kung ano ka ngayon. Asa tao narin kung paano niya iaaproach itong pang-araw araw na 24 hour learning sa buhay nya. Dapat accept the lessons dahil sa ikahuhubog mo yan. Don’t just accept, kumilos at gawin ang tama. Kung may open-mindedness ka at faith sa Diyos maiintindihan mo ang mga nangyayari sa buhay, for better or for worse!

7.) 24 hour OXYGEN

INHALE… EXHALE! sige pa, inhale….. Opo, libre po yan, [ay nakalimutan kong exhale…] hehe…  laking pasasalamat na po natin kung di po tayo nakaoxygen tank. 24 hour po ang supply ng Diyos sa hangin upang mabuhay lang tayo.

8.) 24 Hour LIFE PROCESS

Everyday binibigay ng diyos dahil sa kanyang enduring mercy and love sa atin. Ilagay mo yang palad mo sa parte ng puso (yan, ganyan nga..) 24 hours tumitibok yan para ipump ang dugo mo kahit natutulog ka. Ngayon ilagay mo kamay mo sa ulo mo, 24 hours nagproproseso ang utak na yan. Di lang sa utak, pasalamat ka may 24 hour hairs pa yan,hehe 🙂 Iyong lungs mo at buong respiratory system mo ay humihinga hangang pagtulog mo. Iyong blood pressure nyo kahit naghihigh blood yan or low blood, Praise God mayroon parin yan, kesa wala. “Every single cell… in our body is happy and moving!” Praise God!

9.) 24 hour TIME

Yun mismong oras mo na binigay ng Panginoon sa iyo para gawin ang activities of daily living! Kasama diyan ang kumain, mag-trabaho, maginternet, makisama sa mga tao, pumasok sa school, tumambling, magdrive, maglaro, maging masaya, gumawa ng mabuti, sumemplang,  magmahal (uyy..), magpahinga, matulog atbp.!  at higit sa lahat… ang mai-experience ang faithfulness at love ng Diyos sa oras na yan. Wag nating gawing 25 or 30 hours and isang araw dahil inilaan ito na 24 hours. Respetuhin ang oras

10.) 24 hour GOD

Minamahal ka ng Diyos 24 hours. Everyday yun. Pwede kang tumawag sa kanya 24 hours! Actually di 24 hours or everyday lang description para sa kanyang gawa —- FOREVER. Amen naman jan? 🙂 Kung ikaw ay may pangangailangan, 24 hours anjan siya. Kung kailangan mo ng comfort 24 hours open ang heaven! Kung kailangan mo ng pagpapatawad at muling bumalik sa Diyos? wag mahiya, mas ibibigay nya ang oras sa iyo 24 hours round the clock, amen!

Check out for 24 hour God more on this click here: “Ang Pagdulog”

Maiba tayo, sa kabila ng  kabutihan ng Diyos sa atin sa 24 hours, marapat lang na ang buong 24 hours mo rin everyday ay “FOR THE GLORY OF GOD”. Magreflect sa oras mo kapatid, naayos ba natin ang God-given Oras natin? Ung allocation ba ng oras ay di nasasayang at balanse?

I hope and pray na iyong ORAS natin ay ilaan sa karapat dapat. Dahil ang Kristiyanong Marunong, alam pahalagahan at gamitin ng maayos ang GOD-GIVEN 24 hours ng buhay natin. Be a steward of time, guys.

Kayo? what are your best 24 hour stuffs or things or persons in life? 🙂 You could share it here 🙂

Ang Pagdulog

ImageIsang araw may isang ordinaryong kristiyanong kailangang pumunta sa opisina ng Presidente ng Pilipinas dahil may adbokasiya siyang isinusulong tungkol sa issue ng talamak na droga at sugal sa kanilang probinsya. Siya ay ang leader ng isang NGO na mga kristiyanong nakikialam sa issue ng bayan at kumakatok sa mga matataas na politiko sa ating bansa.

Dala ang mga research, mga ebidensya, full pack siya para i meet ang pangulo. Dumaan siya sa Guardia ng Gate. Sabi sa kanya, “Palista po kayo. maghintay po kayo kasi po iveverify pa po namin ito sa loob”. Mga siguro 20-30 minutes pinapasok na ang kristiyano.

Desidido talaga ang leader na ito at makikita ang passion. Kung baga sinasabi ng mga mata nya, “THIS IS IT, pansit!”.

Di kalayuan, may nakita nanaman siyang Guardia. Nasa isip ni kristiyano, “Ngek, akala ko diretso na sa opis ng pangulo?”. at nakita nya…. MAY PILA.

Sige at pumila siya. Mga siguro 15-20 katao. May naririnig siyang nagkwekwentuhan na sila ay mga leader ng party list, ung iba ay nagsusulong ng request na katulad nya, atbp.

At ganun din ang ginawa ng pangalawang gwardia, pinaupo muna sila at magantay dahil…. ichecheck ng secretary ang mga tao na makikipagpulong sa pangulo. At sa isang sulok umupo kami na mga pumila. Oras ang lumilipas, mejo nakakagutom at tiis lang mga nagaantay. Buti nalang may baong crackers man lang at malamig na inumin ang ating bida.

Sa gitna ng pagaantay, almost drained out na ang mga nagaantay, siguro mga apat nalang sila kasama si kristiyano. Nang biglang….

May limosine na dumaan kasama ang maraming gwardiang escort mabilis pumunta papuntang main house ng tangappan. Plate number – 1. WOW, nabuhayan ng loob ang mga pumipila dahil anjan na ang pangulo!

Biglang appearance check ang iba. Iyong iba naman may pabulong na practice ng sasabihing dialogue.

Sa wakas, tinawag na ng gwardia ang ating bida. Pagpasok sa bulwagan na iyon nakita nya ang secretary at pasigaw na, “Mr.Contreras, Available na po kayo sa meeting nyo sa presidente, diretso po kayo sa main house, ito po ang passes, sumama nalang po kayo sa gwardia”. Abay napapaYES ang kristiyano dahil alam nya na malapit na siya. Dumating na sa secretary ang ating bidang kristiyano. “Sir, eto na po iyong schedule nyo kay Pangulo.” May isang papel na natatakan at nakasulat doon ay “MEETING AFTER 5 months”. Marami pa palang pending na gusto imeet ang pangulo.

Gulat ang kristiyano dahil after 5 months pa niya makakausap na personal ang pangulo. Umalis na lamang siya at umupo sa katabi ng gwardia ng gate. Nakita niya ang isang nakamagarang kotse na dumaan sa tapat ng gate dali daling binuksan ang gate ng gwardia at bumukas ang bintana ng kotse kumaway sa gwardia.

“Good Morning po, Sir!” sabi ng gwardia. “Hello po Mang Teng, andiyan na si daddy?” sabi naman ng tao. Iyon pala ay ang anak ng presidente! “Anjan na po ang pangulo sir”, sambit ng gwardia. Sabi ng anak, “Salamat Mang Teng, may request kasi ako sa kanya, alam nyo na, para sa school, sige po”.  At madali lang siya na dumaan patungong main house ng walang aberya.

Nakita lahat ng kristiyano ang nangyari at nalungkot siya at pagod na umuwi. Napagtanto nya na sana siya ay naging anak nalang ng presidente para madali nyang ilaban ang mga dapat ipaglaban.

———————————————————————————————–

Ang hirap diba pag makikipagkita sa mataas na opisyal, personalidad? Grabe ang tatahakin. Iniisip ko pano ko mamemeet ang paborito kong artista parang imposible? PERO……..

Naniniwala ako ng Buong puso na kahit di tayo ANAK ng kung sinong mataas na tao, Tayoy itinuring na ANAK ng DIYOS. Were adopted by his grace and forgiveness na kung ano ang karapatan ng tunay na mga anak ay kaparte din po ang mga adopted! AMEN. Dahil kay Hesus, malaya po tayo at walang aberya, walang pila-pila, walang sabit na dudulog sa tanggapan ng Panginoon. AMEN? Binuksan po ang langit para sa ating lahat. At kung mananalangin ka sa dudulog sa kanya, ikaw ang VIP ni Lord.

Matthew 7:7-8 “Ask and it will be given to you; seek and you will find; knock and the door will be opened to you.” For everyone who asks receives; the one who seeks finds; and to the one who knocks, the door will be opened.

Matthew 18:19 “Again, truly I tell you that if two of you on earth agree about anything they ask for, it will be done for them by my Father in heaven.”

—-> wala pong sinasabi na dadaan pa sa mga anghel, santo, or secretary. DIRETSO kay LORD

Mark 11:24 Therefore I tell you, whatever you ask for in prayer, BELIEVE that you have received it, and it will be yours.

Kung iaacknowledge po natin na may PLACE tayo sa kayamanan at karapatan kay Lord Jesus dahil alam mo na ikay itinuring nyang ANAK, Im sure matutuwa ang Diyos dahil siya ay itinuturing mo ring AMA.

Ang Kristiyanong Marunong ay alam na may Place siya sa mga privilehiyo at blessing ng langit na nagmumula sa Panginoon. #DahilTayoyAnakNiya.

 

All-Purpose Christian

ImageNakarinig ako ng salitang “all-purpose cream”. Na-magnify sa akin ung “ALL PURPOSE” Then I looked up at the dictionary to see the meaning of all-purpose and it means — “having many uses”. Examples included are all-purpose cream, all purpose knife etc. Ang pangit naman kung may isang gamit na may pangalan na “no purpose thing”. Mas lalo sa tao di ba?Ampangit kung sabihin sa iyo or iniisip mo na – “No purpose person”.

 But I do believe that God had made purpose on all people. Amen?

Psalms 139 is so beautiful that it says how a person is known by God. verse 1 and 2 says ” O LORD, you have searched me [thoroughly] and have known me. You know my downsitting and my uprising; You understand my thought afar off.” Ito pa ang matindi sa verse 13 “..For You did form my inward parts; You did knit me together in my mother’s womb”

Now back to the NO-purpose, I believe that all people have purpose on this world. How sad na ang mga tao all knew this but they are just passing it. It means na pinapalampas lang nila or ayaw nila alamin for some reasons or nawalan na sila ng passion for the purpose because of what they are experiencing in their life. Mas malala kung nakatatak na sa isipan nila na wala naman talagang purpose na nakalaan para sa kanila.

The enemy is also injecting people that they have no purpose. Parang kumuha siya ng masking tape tapos dinikit niya sa mata mo. Kaya puro nakikita mo yung past mo, yung weaknesses, fears and limitations mo, yung estado mo sa buhay, ung mga di mo naachieve at maachieve.

I pray and say to you – You are created to be an “ALL-PURPOSE PERSON” that is glorfying in the sight and in front of Lord. Ang ganda kaya ng plano ng Diyos sa iyo? Jer 29:11 says, “For I know the thoughts and plans that I have for you, declares the Lord, plans to prosper you not to harm you, plans to give you hope and a future.”

Huwag na huwag mong isipin na basahan ka lang sa purpose dahil kahit basahan yun, may gamit parin. Imagine mo kung walang magpupunas sa mga karumihan ng mundo na ginagawa ng basahan.

Kahit na baliw na may purpose eh. One time nakakita ako ng baliw, eh siyempre ung titig na with drooling smile and charming eyes tapos bigla nalang magsasalita tapos tatawa… pero look at the people around the baliw na sumasakay sa pagkabaliwness nung tao. Iyong mga di nakasmile na tambay sa tabi tabi, napapasmile at tumatawa? Reflection? buti pa sila nakakatawa despite on their condition at nakita ko na isa sa purpose nila ay magpasaya,lol. I know may purpose lahat ng itinalaga ng Diyos dito sa mundong ito.

At alam mo ba tol? Mas higit pa ang purpose mo sa Diyos. Higit ka pa sa baliw at basahan dahil anak ka ng Diyos. I claim mo with faith and heart na ang purpose mo is to shine!! Sabihin mo sa sarili mo — “YOU ARE AN ALL-PURPOSE MAN or WOMAN!” 

Kung nagsasawa kana sa mga nagyayari sa buhay mo, sa tingin ko you need to try God. 

Ganito kapatid, Just surrender all to God (your life, your past, your weakness, limitations, fears, feelings, addictions) LET GO and LET GOD! Maybe, in these past years ay your doing it on your own. I tell you human strength is useless. You need a savior to reveal that purpose. Jesus is not only the savior of your life but a savior on your problem Ma, savior on sickness. Tandaan mo — “it is finished!” at the cross… God had made the way to reclaim our place for God. We are meant to live for Him and experience Him.

I pray for the ones who are reading this who are feeling they are “NO-PURPOSE INDIVIDUAL”. I pray for the release of these persons and draw them near to your grace, love and forgiveness. Lord, hug them with your promises that are true. In Jesus name, Amen

For those who not yet received Jesus, tol, need mo magkaroon ng personal relationship sa kanya at pagkilala sa kanya bilang savior. He’s always there to accept you. Just pray this prayer whole heartedly and as much as possible voicing out (ung naririnig mo).

“Lord Jesus, patawarin nyo po ako sa aking mga pagkakasala dahil akoy makasalanan. Lord, tangapin nyo po muli ako. Magmula ngayon Lord Jesus, kayo po ay ang aking Diyos na tagapagligtas. Ipinagkakatiwala ko po sa inyo ang aking buhay. Maraming salamat po Panginoon. Ito ang aking dalanganin sa Pangalan ni Hesus, Amen.”

YES! Di ka talo kapatid pag asa Panginoon ka. Mahal na mahal ka ni Lord at gusto at handa lagi siya na tangapin ka para magkaroon ka ng buhay na ALL-PURPOSE.

 

That Presence Wasn’t Heaven to Me

ImageIt was a blessed sunday morning of worship! Grabe! ganado lahat ng tao for Lord. I was so happy that it feels like God is touching us.

Mas lalo na nung praise and worship portion na! Grabe and encouragement ng worship leader! Tandang tanda ko pa unang song is God of ages! Whew! hanep ang pagpupuri!

Pero nung sumunod na kanta is “WITH YOU”… something unusual happened.

May matinding presence na umaaligid sa bawat worshippers in our Church! Take note! MATINDI! nagsisitinginan ung mga tao… Iyong iba, di alam gagawin, iyong iba nalang napatigil sa pagwoworship, tapos biglang bulungan dun sa right side ng isle ng church which where I am seated.

As the praise and worship team continues singing blessedly, grabe ako din naramdaman ko iyong presensya. Di ko lang naramdaman, naamoy ko pa – mabaho tsong! Unfortunately and anonymously, may isang tao na nagpakawala ng insensong aabot talaga sa holy of hollies ng kaibuturan ng ilong — ang utot.

WOW, imagine that on the right side isle ng church, may apocalypse na nangyari?? Di ko alam kung may survivors, im sure sa front at left side citizens of church ang di nakatangap ng collateral damage from that utot. hahaha!

Paano kami kakanta? tandaan nyo… “with you” ung kanta… at pagdating sa refrain “….I stand on higher ground, I was lost and now I’m here with you…. My refuge, my stronghold… always with you!” WOW, talagang “I was lost” ang worship sa ganoong “stronghold” hehe.  Need pa naman kantahin un ng masaya at mataas na tono… siyempre todo hangin need ng lungs mo. Imbes na ganoon, kakaibang facial expression at pigil na hinga nangyari… Mas lalo kung ang kanta, “Your Presence is Heaven” by Freechurch?? haha… kaya nga yong title ko “That presence wasn’t heaven to me” hehe

Pero, alam nyo naman ako, di ko pinapalampas ang mga pangyayari kung bakit ganun. 

Napagisip ko.. grabe talaga ang kaaway, ginamit ung almusal sa tiyan ng taong un na instrumento ng weapons of mass destruction of worship. Di mo alam kung itlog, na mayonaise na may aromatic strong odor na mas strong at mas matigas pa sa pusong bato.

Tsk tsk. mapaparebuke ka nang di oras!

Pero that’s the work of the enemy. He keeps on distracting, annoying, 

Be alert and of sober mind. Your enemy the devil prowls around like a roaring lion looking for someone to devour. 1 Peter 5:8

Sira ulo itong kaaway narin eh… sabi sa bible “Fix your eyes on Jesus…” – Heb.12:2 pero nung moment na yon, ginamit nya yung mga ilong for distraction? 

SERIOUSLY… when the loser enemy is doing something… you have the power to overcome  it. The bible had many promises that God will help us! not only on distractions in spiritual aspects but on health, finances, problems, weakness, limitations and many unwanted situations and events in our lives!

Remember, ONLY GOD COULD DO IT, not on our own strength. With the gift of faith given to us, we could handle all of these! Amen!

“No weapon that is fashioned against you shall succeed, and you shall confute every tongue that rises against you in judgment. This is the heritage of the servants of the Lord and their vindication from me, declares the Lord.” – Isaiah 54:17

“I can do all things through him who strengthens me.” – Phil.4:13

“No temptation has overtaken you that is not common to man. God is faithful, and he will not let you be tempted beyond your ability, but with the temptation he will also provide the way of escape, that you may be able to endure it.” I Cor. 10:13

“Peace I leave with you; my peace I give to you. Not as the world gives do I give to you. Let not your hearts be troubled, neither let them be afraid.” John 14:27

“For I know the plans I have for you, declares the Lord, plans for welfare and not for evil, to give you a future and a hope.” – Jer.29:11

AND many more… That’s the grace and love from God that He will never leave us nor forsake us. He is Jesus. In his name, there’s full of hope, love, forgiveness, strength and promise.  

Akalain mo ung utot na un, nakapagsulat ako ng blog dahil dun… 🙂 to God be the glory at maging Kristiyanong Marunong…. Marunong sumunod sa Diyos, Marunong magpakumbaba, Wais sa Salita at sa gawa. 🙂

Ang Pagtakbo ay di kaduwagan, bagkus itoy patungo sa kabanalan

ImageGenesis 39. Diyan po mababasa yung story ni Joseph kung paano niya harapin ang temptasyon.

at pinaka-prominent na makikita sa passage ay ang PAGTAKBO niya mula sa nakaabang na temptasyon sa kanyang buhay. 

Genesis 39:11-12 “One day he went into the house to attend to his duties, and none of the household servants was inside. She caught him by his cloak and said, “Come to bed with me!” But he left his cloak in her hand and RAN out of the house.

 Aminin natin, sa panahon ngayon, kung mapaguusapan ang ganitong mga talakayin ay ang integridad ng moral ay tatawanan lang. Maaring sabihin ng iba, lalong lalo na sa lakakihan “Uyy, kung sakaling ako un, baka mapasabi nalang ako – wag po!” or kaya’y “Baka macarried away ako sa pabilisang pangyayaring yan?” sabay tawanan nalang. Pero sa kaseryosohan…

kung mag-iisip ka nang makailang beses at sa matalinong paraan. Ang isip natin mapupunta parin sa moralidad at kabutihan. Maaring sasabihin mo na, “Teka, may pamilya ako ah? masisira ang pinaghirapan ko kung mangyayari ito”. “Pangalan, reputasyon at dignidad nakasasalalay dito?”

Ang INTEGRIDAD ay kung ano ka sa dilim. Kung ano ka pag wala na ang iba. Kung ano ka pag mag-isa. Tama? sa panahon ngayon na ang moralidad at kabutihan ay unti-unting naiimpluensyahan ng kamunduhan, ang INTEGRIDAD mo ba bilang isang Kristiyano ay taliwas sa mundo?

TUMAKBO SI JOSEPH, mga kamarunong kong kristiyano. 

Grabe, ang librasyon at paglaya ng PAGTAKBO sa mga di kanais-nais na temptasyon na yan!

Di lang naman sa temptasyon sa sex ang pinaguusapan, maging sa mga naguudyok sa iyo na magkasala. Kasali na jan ang bisyo (alak, sigarilyo, droga, sugal), pandaraya sa kapwa, kasalanang seksual at lahat ng alam mo na di nakakalugod sa panginoon at kinokonsensya ka kung ginagawa mo un. 

Kapatid, minsan, aminin natin na kung gagamitan pa natin ng isip, ay mas lalo tayong nauudyok patungo sa kasalanan. Kaya, nasa inyong mga paa ang kasagutan, basta tumakbo nalang si Joseph.

Kung inuudyok ka ng mga kaibigan mo at alam mong maguguilty ka lang pagkatapos ng gawain na yan na di kalugod-lugod sa panginoon, tumakbo ka nalang… 

Tignan mo, ang Holy Spirit lagi anjan na tumulong na gumawa ng paraan para makatakas ka pero mas nananaig ung pleasure, pride, isip para gawin yun. At masama, kung paulit-ulit nalang yan, wala nang epekto at wala ka nang pakialam kung ano kahihinatnan nyan sa buhay natin.

PEROOOOOO…. Nasa situasyon kaba na laging ganoon nalang ang buhay mo?

ALAM MO, Ang Panginoon handang magpatawad. Manalangin ka NG BUONG PUSO at MAGSISI at MANIWALA SA KALINISAN na ihahandog ng Diyos sa iyong buhay. Ipanalangin mo na bibigyan ka nya ng LAKAS na TUMAKBO PATUNGO sa KABANALAN. Atsaka di yun kaduwagan, yun ay kaastigan! 

Oh, di ba mas masaya ka at blessed pa kung di mo nagawa iyong sa tingin mo di nakakalugod kay LORD? Yan ang purpose mo sa buhay… Mabuhay sa kabutihan at grasya sa panginoon. 

AKO, hangang ngayon lumalaban sa temptasyon sa buhay, alam ko na di ko ito magagawa dahil ang kalakasan ng tao ay di perpekto. Tanging ang makakatulong sa iyo ay ang Diyos.

KAYA NGA siya ang TAGAPAGLIGTAS! di lang sa buhay un chong, sa lahat ng bagay, problema, sakit, kahinaan at higit sa lahat kasalanan.

Kung gusto mo, manalangin tayo ngayon ng buong puso kung ikaw ay asa situasyong ito:

“Lord, patawad po sa lahat ng nagawa ko sa inyo, itong panalangin na ito ay mula sa aking puso na naniniwalang kayo ang aking tagapagligtas sa lahat ng aspeto ng aking buhay. Bigyan nyo po ako ng kalakasan na tumakbo patungo sa kabanalan tulad ni Joseph. Lord, buti nalang andiyan ka na lagi magpatawad. Tulungan nyo po ako Panginoon na di nagtatapos dito sa prayer na ito ang pagbabago bagkus sa tulong nyo ay mai-aapply ko po ito sa aking buhay. Salamat po Panginoon. Amen.”

Iyon ang Kristiyanong Marunong. 

Image

Bolpen Reflection

Image

 

Pansin ko iyong ibang bolpen, pag nalaglag, hindi na susulat o nagiging putol-putol ang sulat…

 

Sana wag tayong maging ganoon sa mga bolpen na un.

 

 Wag natin hayaan na di na tayo makapagsulat dahil sa pagkahulog….

 

Masakit malaglag, ngunit ito sana ang ating kalakasan na magpatuloy muli, manampalataya pa mas lalo kay Kristo. Magpusige sa buhay, mas maging matalino at maging mature sa isip. Kailangan lang natin palawakin ang isip, maging sensitibo at handang magpasakop sa magandang kahihinatnan ng pangyayari.

 

Si Pedro nga eh, nasubukan naglakad sa tubig, ngunit nung naalis na ang diretsong tingin kay Hesus at natuon sa malakas na hangin, ulan at alon ay nahulog…

 

Pero, sumigaw siya ng tulong kay Hesus at siyay niligtas…

 

Nais kong iparating na tulad sana tayo ng lapis…. kahit napupudpud, nasasaktan sa pagtasa, maputol… ay nagiging kapakipakinabang parin… 🙂 

 

Ganun ang Kristiyanong Marunong….