Top 10: Best 24 hours sa Mundo

24 clock angel

This edition of my blog ang pinakauna series of “TOP-silogs” mula sa akin. Narito ang TOP 10: Best 24 hours sa Mundo. Mga insights kung saan para sa akin ito’y best na nagamit sa mundong ito for 24 hours everyday!

1.) 24 hour HOSPITAL

– Paano nalang kung ang ating mga hospital, health facilities at mga health centers ay parang opisina na hangang alas-singko? Aber, kung may magkasakit, maaksidente, makagat ng asong ulol, mapoison sa panis na chesa, nakakain ng lego, nakaapak ng jackpot, nakoryente, nahulog sa puno ng kamatis, manganganak ng quadruplets 5:01? HAYAHAY! hehe… AMEN sa lahat nurses, doctors, med tech, rad techs, pharmacist, dieticians and all health care team ( esp., janitors, utilities) !

2.) 24 hour HOTLINES

Yep, kasama na diyan ung fire station, police, LPG, repair, LTO, koryente, tubig, customer care,ย  at iba pang ahensya na may landline or contact na 24 hour. Isama narin ang deliveries, atย  prayer and counseling hotlines. They give their time to accomodate you as soon as possible.

3.) 24 hour BALITA

Kung walang balita, walang mailalathala, walang inpormasyon, walang malalaman ang tao. Kudos sa mga journalists! Kasama diyan ung mga totoong serbisyo ng mga weathermen, field reporters and newseekers, anchors, news writers, cameramen, lightmen, recorders at lahat ng mediamen sa TV, radyo, newspaper at internet. Balita ha? hindi tsismis ๐Ÿ™‚ Puyatan ang puhunan!

4. ) 24 hour LIBAG productions

Magandang title ng production ng movie na comedy ahh.. hahaha! Siyempre, para maligo at maglinis ng katawan! Tandaan, everything works together for good. Walang essence ng kalinisan kung walang karumihan.

5. ) 24 hour Sanity

Alam kong sa dami ng kaguluhan sa mundong ito, mababaliw kana. “This world is so crazy!” But in all of these craziness, Malaking favor na ng Diyos sa atin that we have sound mind & sound heart! Ito siguro iyong nakakaligtaan na ipagpasalamat na pinapanatili ng Diyos ang sanity ng bawat minamahal niya. What if wala na ito sa mundo? malamang ito masasambit mo, “BRAAIInNNNzzz!” Zombie?? haha. Kung wala ito, walang direksyon ang tao.

6. ) 24 hour LEARNING

Learning is a continuous process. Di lang ito sa knowledge sa facts, concepts lessons na napagaaralan natin sa school. Kasama dito ang experiences in different kinds of situations facing 24 hours everyday. Pasalamat tayo kasi si Lord tinuturuan nya tayo araw araw at di siya magsasawa. Knowledge, experience, wisdom, application; kasama diyan ung success at failures na may kinalaman sa learning ay ipinagkakaloob ng Panginoon para mahubog ka kung ano ka ngayon. Asa tao narin kung paano niya iaaproach itong pang-araw araw na 24 hour learning sa buhay nya. Dapat accept the lessons dahil sa ikahuhubog mo yan. Don’t just accept, kumilos at gawin ang tama. Kung may open-mindedness ka at faith sa Diyos maiintindihan mo ang mga nangyayari sa buhay, for better or for worse!

7.) 24 hour OXYGEN

INHALE… EXHALE! sige pa, inhale….. Opo, libre po yan, [ay nakalimutan kong exhale…] hehe…ย  laking pasasalamat na po natin kung di po tayo nakaoxygen tank. 24 hour po ang supply ng Diyos sa hangin upang mabuhay lang tayo.

8.) 24 Hour LIFE PROCESS

Everyday binibigay ng diyos dahil sa kanyang enduring mercy and love sa atin. Ilagay mo yang palad mo sa parte ng puso (yan, ganyan nga..) 24 hours tumitibok yan para ipump ang dugo mo kahit natutulog ka. Ngayon ilagay mo kamay mo sa ulo mo, 24 hours nagproproseso ang utak na yan. Di lang sa utak, pasalamat ka may 24 hour hairs pa yan,hehe ๐Ÿ™‚ Iyong lungs mo at buong respiratory system mo ay humihinga hangang pagtulog mo. Iyong blood pressure nyo kahit naghihigh blood yan or low blood, Praise God mayroon parin yan, kesa wala. “Every single cell… in our body is happy and moving!” Praise God!

9.) 24 hour TIME

Yun mismong oras mo na binigay ng Panginoon sa iyo para gawin ang activities of daily living! Kasama diyan ang kumain, mag-trabaho, maginternet, makisama sa mga tao, pumasok sa school, tumambling, magdrive, maglaro, maging masaya, gumawa ng mabuti, sumemplang,ย  magmahal (uyy..), magpahinga, matulog atbp.!ย  at higit sa lahat… ang mai-experience ang faithfulness at love ng Diyos sa oras na yan. Wag nating gawing 25 or 30 hours and isang araw dahil inilaan ito na 24 hours. Respetuhin ang oras

10.) 24 hour GOD

Minamahal ka ng Diyos 24 hours. Everyday yun. Pwede kang tumawag sa kanya 24 hours! Actually di 24 hours or everyday lang description para sa kanyang gawa —- FOREVER. Amen naman jan? ๐Ÿ™‚ Kung ikaw ay may pangangailangan, 24 hours anjan siya. Kung kailangan mo ng comfort 24 hours open ang heaven! Kung kailangan mo ng pagpapatawad at muling bumalik sa Diyos? wag mahiya, mas ibibigay nya ang oras sa iyo 24 hours round the clock, amen!

Check out for 24 hour God more on this click here: “Ang Pagdulog”

Maiba tayo, sa kabila ngย  kabutihan ng Diyos sa atin sa 24 hours, marapat lang na ang buong 24 hours mo rin everyday ay “FOR THE GLORY OF GOD”. Magreflect sa oras mo kapatid, naayos ba natin ang God-given Oras natin? Ung allocation ba ng oras ay di nasasayang at balanse?

I hope and pray na iyong ORAS natin ay ilaan sa karapat dapat. Dahil ang Kristiyanong Marunong, alam pahalagahan at gamitin ng maayos ang GOD-GIVEN 24 hours ng buhay natin. Be a steward of time, guys.

Kayo? what are your best 24 hour stuffs or things or persons in life? ๐Ÿ™‚ You could share it here ๐Ÿ™‚

Advertisements

What do you think in < 250 words?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s