WHAT WOULD JESUS DO?

wwjdd1cpIn times of trouble…

Whenever there is storm…
When tempted…
When life seems so unacceptable…
When worn out and tired…
When poor…
In times of confusion…
Whenever there’s problem…
In times of depression, lonely or sadness…
whenever I feel rejected…
When doubting, frustrated or anxious…
In times that hatred is covering the heart…
When worrying especially about future…
What-Would-Jesus-Do-
When driven by fear…
Feelings of insecurity….
In times of impatience…
When angry or feel bursting out….
When I am falling on my knees…
In times of lacking wisdom and understanding…
Whenever peace does not come…
When there’s calamity, Illness…
When where’s no where to go…
When there’s death…
When I am sinning and on guilt…
When God’s will is not clear….
When seeking truth…
When feeling inferior or useless…
Whenever stressed out…
In times that God seems so far away…
In times that I cannot seems to worship or praise…
WHAT WOULD JESUS DO?think-what-would-jesus-do

 

 

Ang Basahan…

Kahit nga ang  Basahan may basahan

purpose parin…

Mas lalo.. na ikaw na minahal at special na tao sa harap niya…

May purpose parin!!

Don’t think your self and

your life as RAGGED but think that you are God’s BELOVED!”

Ephesians 1:6

“To the praise of the glory of his grace, in which he has made us accepted in the beloved.” 

Jeremiah 29:11

For I know the plans I have for you,” declares the LORD, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.

Psalm 138:8

The Lord will fulfill his purpose for me; your steadfast love, O Lord, endures forever. Do not forsake the work of your hands.

Romans 8:28

And we know that for those who love God all things work together for good, for those who are called according to his purpose.

Top 10: Best 24 hours sa Mundo

24 clock angel

This edition of my blog ang pinakauna series of “TOP-silogs” mula sa akin. Narito ang TOP 10: Best 24 hours sa Mundo. Mga insights kung saan para sa akin ito’y best na nagamit sa mundong ito for 24 hours everyday!

1.) 24 hour HOSPITAL

– Paano nalang kung ang ating mga hospital, health facilities at mga health centers ay parang opisina na hangang alas-singko? Aber, kung may magkasakit, maaksidente, makagat ng asong ulol, mapoison sa panis na chesa, nakakain ng lego, nakaapak ng jackpot, nakoryente, nahulog sa puno ng kamatis, manganganak ng quadruplets 5:01? HAYAHAY! hehe… AMEN sa lahat nurses, doctors, med tech, rad techs, pharmacist, dieticians and all health care team ( esp., janitors, utilities) !

2.) 24 hour HOTLINES

Yep, kasama na diyan ung fire station, police, LPG, repair, LTO, koryente, tubig, customer care,  at iba pang ahensya na may landline or contact na 24 hour. Isama narin ang deliveries, at  prayer and counseling hotlines. They give their time to accomodate you as soon as possible.

3.) 24 hour BALITA

Kung walang balita, walang mailalathala, walang inpormasyon, walang malalaman ang tao. Kudos sa mga journalists! Kasama diyan ung mga totoong serbisyo ng mga weathermen, field reporters and newseekers, anchors, news writers, cameramen, lightmen, recorders at lahat ng mediamen sa TV, radyo, newspaper at internet. Balita ha? hindi tsismis 🙂 Puyatan ang puhunan!

4. ) 24 hour LIBAG productions

Magandang title ng production ng movie na comedy ahh.. hahaha! Siyempre, para maligo at maglinis ng katawan! Tandaan, everything works together for good. Walang essence ng kalinisan kung walang karumihan.

5. ) 24 hour Sanity

Alam kong sa dami ng kaguluhan sa mundong ito, mababaliw kana. “This world is so crazy!” But in all of these craziness, Malaking favor na ng Diyos sa atin that we have sound mind & sound heart! Ito siguro iyong nakakaligtaan na ipagpasalamat na pinapanatili ng Diyos ang sanity ng bawat minamahal niya. What if wala na ito sa mundo? malamang ito masasambit mo, “BRAAIInNNNzzz!” Zombie?? haha. Kung wala ito, walang direksyon ang tao.

6. ) 24 hour LEARNING

Learning is a continuous process. Di lang ito sa knowledge sa facts, concepts lessons na napagaaralan natin sa school. Kasama dito ang experiences in different kinds of situations facing 24 hours everyday. Pasalamat tayo kasi si Lord tinuturuan nya tayo araw araw at di siya magsasawa. Knowledge, experience, wisdom, application; kasama diyan ung success at failures na may kinalaman sa learning ay ipinagkakaloob ng Panginoon para mahubog ka kung ano ka ngayon. Asa tao narin kung paano niya iaaproach itong pang-araw araw na 24 hour learning sa buhay nya. Dapat accept the lessons dahil sa ikahuhubog mo yan. Don’t just accept, kumilos at gawin ang tama. Kung may open-mindedness ka at faith sa Diyos maiintindihan mo ang mga nangyayari sa buhay, for better or for worse!

7.) 24 hour OXYGEN

INHALE… EXHALE! sige pa, inhale….. Opo, libre po yan, [ay nakalimutan kong exhale…] hehe…  laking pasasalamat na po natin kung di po tayo nakaoxygen tank. 24 hour po ang supply ng Diyos sa hangin upang mabuhay lang tayo.

8.) 24 Hour LIFE PROCESS

Everyday binibigay ng diyos dahil sa kanyang enduring mercy and love sa atin. Ilagay mo yang palad mo sa parte ng puso (yan, ganyan nga..) 24 hours tumitibok yan para ipump ang dugo mo kahit natutulog ka. Ngayon ilagay mo kamay mo sa ulo mo, 24 hours nagproproseso ang utak na yan. Di lang sa utak, pasalamat ka may 24 hour hairs pa yan,hehe 🙂 Iyong lungs mo at buong respiratory system mo ay humihinga hangang pagtulog mo. Iyong blood pressure nyo kahit naghihigh blood yan or low blood, Praise God mayroon parin yan, kesa wala. “Every single cell… in our body is happy and moving!” Praise God!

9.) 24 hour TIME

Yun mismong oras mo na binigay ng Panginoon sa iyo para gawin ang activities of daily living! Kasama diyan ang kumain, mag-trabaho, maginternet, makisama sa mga tao, pumasok sa school, tumambling, magdrive, maglaro, maging masaya, gumawa ng mabuti, sumemplang,  magmahal (uyy..), magpahinga, matulog atbp.!  at higit sa lahat… ang mai-experience ang faithfulness at love ng Diyos sa oras na yan. Wag nating gawing 25 or 30 hours and isang araw dahil inilaan ito na 24 hours. Respetuhin ang oras

10.) 24 hour GOD

Minamahal ka ng Diyos 24 hours. Everyday yun. Pwede kang tumawag sa kanya 24 hours! Actually di 24 hours or everyday lang description para sa kanyang gawa —- FOREVER. Amen naman jan? 🙂 Kung ikaw ay may pangangailangan, 24 hours anjan siya. Kung kailangan mo ng comfort 24 hours open ang heaven! Kung kailangan mo ng pagpapatawad at muling bumalik sa Diyos? wag mahiya, mas ibibigay nya ang oras sa iyo 24 hours round the clock, amen!

Check out for 24 hour God more on this click here: “Ang Pagdulog”

Maiba tayo, sa kabila ng  kabutihan ng Diyos sa atin sa 24 hours, marapat lang na ang buong 24 hours mo rin everyday ay “FOR THE GLORY OF GOD”. Magreflect sa oras mo kapatid, naayos ba natin ang God-given Oras natin? Ung allocation ba ng oras ay di nasasayang at balanse?

I hope and pray na iyong ORAS natin ay ilaan sa karapat dapat. Dahil ang Kristiyanong Marunong, alam pahalagahan at gamitin ng maayos ang GOD-GIVEN 24 hours ng buhay natin. Be a steward of time, guys.

Kayo? what are your best 24 hour stuffs or things or persons in life? 🙂 You could share it here 🙂

All-Purpose Christian

ImageNakarinig ako ng salitang “all-purpose cream”. Na-magnify sa akin ung “ALL PURPOSE” Then I looked up at the dictionary to see the meaning of all-purpose and it means — “having many uses”. Examples included are all-purpose cream, all purpose knife etc. Ang pangit naman kung may isang gamit na may pangalan na “no purpose thing”. Mas lalo sa tao di ba?Ampangit kung sabihin sa iyo or iniisip mo na – “No purpose person”.

 But I do believe that God had made purpose on all people. Amen?

Psalms 139 is so beautiful that it says how a person is known by God. verse 1 and 2 says ” O LORD, you have searched me [thoroughly] and have known me. You know my downsitting and my uprising; You understand my thought afar off.” Ito pa ang matindi sa verse 13 “..For You did form my inward parts; You did knit me together in my mother’s womb”

Now back to the NO-purpose, I believe that all people have purpose on this world. How sad na ang mga tao all knew this but they are just passing it. It means na pinapalampas lang nila or ayaw nila alamin for some reasons or nawalan na sila ng passion for the purpose because of what they are experiencing in their life. Mas malala kung nakatatak na sa isipan nila na wala naman talagang purpose na nakalaan para sa kanila.

The enemy is also injecting people that they have no purpose. Parang kumuha siya ng masking tape tapos dinikit niya sa mata mo. Kaya puro nakikita mo yung past mo, yung weaknesses, fears and limitations mo, yung estado mo sa buhay, ung mga di mo naachieve at maachieve.

I pray and say to you – You are created to be an “ALL-PURPOSE PERSON” that is glorfying in the sight and in front of Lord. Ang ganda kaya ng plano ng Diyos sa iyo? Jer 29:11 says, “For I know the thoughts and plans that I have for you, declares the Lord, plans to prosper you not to harm you, plans to give you hope and a future.”

Huwag na huwag mong isipin na basahan ka lang sa purpose dahil kahit basahan yun, may gamit parin. Imagine mo kung walang magpupunas sa mga karumihan ng mundo na ginagawa ng basahan.

Kahit na baliw na may purpose eh. One time nakakita ako ng baliw, eh siyempre ung titig na with drooling smile and charming eyes tapos bigla nalang magsasalita tapos tatawa… pero look at the people around the baliw na sumasakay sa pagkabaliwness nung tao. Iyong mga di nakasmile na tambay sa tabi tabi, napapasmile at tumatawa? Reflection? buti pa sila nakakatawa despite on their condition at nakita ko na isa sa purpose nila ay magpasaya,lol. I know may purpose lahat ng itinalaga ng Diyos dito sa mundong ito.

At alam mo ba tol? Mas higit pa ang purpose mo sa Diyos. Higit ka pa sa baliw at basahan dahil anak ka ng Diyos. I claim mo with faith and heart na ang purpose mo is to shine!! Sabihin mo sa sarili mo — “YOU ARE AN ALL-PURPOSE MAN or WOMAN!” 

Kung nagsasawa kana sa mga nagyayari sa buhay mo, sa tingin ko you need to try God. 

Ganito kapatid, Just surrender all to God (your life, your past, your weakness, limitations, fears, feelings, addictions) LET GO and LET GOD! Maybe, in these past years ay your doing it on your own. I tell you human strength is useless. You need a savior to reveal that purpose. Jesus is not only the savior of your life but a savior on your problem Ma, savior on sickness. Tandaan mo — “it is finished!” at the cross… God had made the way to reclaim our place for God. We are meant to live for Him and experience Him.

I pray for the ones who are reading this who are feeling they are “NO-PURPOSE INDIVIDUAL”. I pray for the release of these persons and draw them near to your grace, love and forgiveness. Lord, hug them with your promises that are true. In Jesus name, Amen

For those who not yet received Jesus, tol, need mo magkaroon ng personal relationship sa kanya at pagkilala sa kanya bilang savior. He’s always there to accept you. Just pray this prayer whole heartedly and as much as possible voicing out (ung naririnig mo).

“Lord Jesus, patawarin nyo po ako sa aking mga pagkakasala dahil akoy makasalanan. Lord, tangapin nyo po muli ako. Magmula ngayon Lord Jesus, kayo po ay ang aking Diyos na tagapagligtas. Ipinagkakatiwala ko po sa inyo ang aking buhay. Maraming salamat po Panginoon. Ito ang aking dalanganin sa Pangalan ni Hesus, Amen.”

YES! Di ka talo kapatid pag asa Panginoon ka. Mahal na mahal ka ni Lord at gusto at handa lagi siya na tangapin ka para magkaroon ka ng buhay na ALL-PURPOSE.