Ang Pagtakbo ay di kaduwagan, bagkus itoy patungo sa kabanalan

ImageGenesis 39. Diyan po mababasa yung story ni Joseph kung paano niya harapin ang temptasyon.

at pinaka-prominent na makikita sa passage ay ang PAGTAKBO niya mula sa nakaabang na temptasyon sa kanyang buhay. 

Genesis 39:11-12 “One day he went into the house to attend to his duties, and none of the household servants was inside. She caught him by his cloak and said, “Come to bed with me!” But he left his cloak in her hand and RAN out of the house.

 Aminin natin, sa panahon ngayon, kung mapaguusapan ang ganitong mga talakayin ay ang integridad ng moral ay tatawanan lang. Maaring sabihin ng iba, lalong lalo na sa lakakihan “Uyy, kung sakaling ako un, baka mapasabi nalang ako – wag po!” or kaya’y “Baka macarried away ako sa pabilisang pangyayaring yan?” sabay tawanan nalang. Pero sa kaseryosohan…

kung mag-iisip ka nang makailang beses at sa matalinong paraan. Ang isip natin mapupunta parin sa moralidad at kabutihan. Maaring sasabihin mo na, “Teka, may pamilya ako ah? masisira ang pinaghirapan ko kung mangyayari ito”. “Pangalan, reputasyon at dignidad nakasasalalay dito?”

Ang INTEGRIDAD ay kung ano ka sa dilim. Kung ano ka pag wala na ang iba. Kung ano ka pag mag-isa. Tama? sa panahon ngayon na ang moralidad at kabutihan ay unti-unting naiimpluensyahan ng kamunduhan, ang INTEGRIDAD mo ba bilang isang Kristiyano ay taliwas sa mundo?

TUMAKBO SI JOSEPH, mga kamarunong kong kristiyano. 

Grabe, ang librasyon at paglaya ng PAGTAKBO sa mga di kanais-nais na temptasyon na yan!

Di lang naman sa temptasyon sa sex ang pinaguusapan, maging sa mga naguudyok sa iyo na magkasala. Kasali na jan ang bisyo (alak, sigarilyo, droga, sugal), pandaraya sa kapwa, kasalanang seksual at lahat ng alam mo na di nakakalugod sa panginoon at kinokonsensya ka kung ginagawa mo un. 

Kapatid, minsan, aminin natin na kung gagamitan pa natin ng isip, ay mas lalo tayong nauudyok patungo sa kasalanan. Kaya, nasa inyong mga paa ang kasagutan, basta tumakbo nalang si Joseph.

Kung inuudyok ka ng mga kaibigan mo at alam mong maguguilty ka lang pagkatapos ng gawain na yan na di kalugod-lugod sa panginoon, tumakbo ka nalang… 

Tignan mo, ang Holy Spirit lagi anjan na tumulong na gumawa ng paraan para makatakas ka pero mas nananaig ung pleasure, pride, isip para gawin yun. At masama, kung paulit-ulit nalang yan, wala nang epekto at wala ka nang pakialam kung ano kahihinatnan nyan sa buhay natin.

PEROOOOOO…. Nasa situasyon kaba na laging ganoon nalang ang buhay mo?

ALAM MO, Ang Panginoon handang magpatawad. Manalangin ka NG BUONG PUSO at MAGSISI at MANIWALA SA KALINISAN na ihahandog ng Diyos sa iyong buhay. Ipanalangin mo na bibigyan ka nya ng LAKAS na TUMAKBO PATUNGO sa KABANALAN. Atsaka di yun kaduwagan, yun ay kaastigan! 

Oh, di ba mas masaya ka at blessed pa kung di mo nagawa iyong sa tingin mo di nakakalugod kay LORD? Yan ang purpose mo sa buhay… Mabuhay sa kabutihan at grasya sa panginoon. 

AKO, hangang ngayon lumalaban sa temptasyon sa buhay, alam ko na di ko ito magagawa dahil ang kalakasan ng tao ay di perpekto. Tanging ang makakatulong sa iyo ay ang Diyos.

KAYA NGA siya ang TAGAPAGLIGTAS! di lang sa buhay un chong, sa lahat ng bagay, problema, sakit, kahinaan at higit sa lahat kasalanan.

Kung gusto mo, manalangin tayo ngayon ng buong puso kung ikaw ay asa situasyong ito:

“Lord, patawad po sa lahat ng nagawa ko sa inyo, itong panalangin na ito ay mula sa aking puso na naniniwalang kayo ang aking tagapagligtas sa lahat ng aspeto ng aking buhay. Bigyan nyo po ako ng kalakasan na tumakbo patungo sa kabanalan tulad ni Joseph. Lord, buti nalang andiyan ka na lagi magpatawad. Tulungan nyo po ako Panginoon na di nagtatapos dito sa prayer na ito ang pagbabago bagkus sa tulong nyo ay mai-aapply ko po ito sa aking buhay. Salamat po Panginoon. Amen.”

Iyon ang Kristiyanong Marunong. 

Image

Advertisements