Bolpen Reflection

Image

 

Pansin ko iyong ibang bolpen, pag nalaglag, hindi na susulat o nagiging putol-putol ang sulat…

 

Sana wag tayong maging ganoon sa mga bolpen na un.

 

 Wag natin hayaan na di na tayo makapagsulat dahil sa pagkahulog….

 

Masakit malaglag, ngunit ito sana ang ating kalakasan na magpatuloy muli, manampalataya pa mas lalo kay Kristo. Magpusige sa buhay, mas maging matalino at maging mature sa isip. Kailangan lang natin palawakin ang isip, maging sensitibo at handang magpasakop sa magandang kahihinatnan ng pangyayari.

 

Si Pedro nga eh, nasubukan naglakad sa tubig, ngunit nung naalis na ang diretsong tingin kay Hesus at natuon sa malakas na hangin, ulan at alon ay nahulog…

 

Pero, sumigaw siya ng tulong kay Hesus at siyay niligtas…

 

Nais kong iparating na tulad sana tayo ng lapis…. kahit napupudpud, nasasaktan sa pagtasa, maputol… ay nagiging kapakipakinabang parin… 🙂 

 

Ganun ang Kristiyanong Marunong….

Advertisements