TOP 10: “Paulit-ulit??”

Do it again JesusWell isa na ang expression na “paulit-ulit??” na nauuso ngayon.

Ginagamit sa mga usapan na nagpapahayag na nakukulitan o naiinis ang taong tinatanungan dahil uulitin nanaman niya ang sinabi niya o ginawa niya.

Sa aking pagrereflect about sa “paulit-ulit” na yan. Alam niyo ba na si God gusto talagang mag “PAULIT-ULIT”?

————————————————————————————————————————-

1. PAULIT-ULIT na HABAG at KAAWAAN (MERCY)

>Psalms 86:5 For you, Lord, are good, and ready to forgive; and plenteous in mercy to all them that call on you.

>  Sa araw – araw na ginawa ng Diyos, nananaig parin ang mercy sa kanyang mga nilikha.

> Sa bible, the great flood would have been wiped all of man kind. That was the first time where God had regrets on making men but because of Noah, God continued the man’s race again through him —- with a rainbow’s promise not to flood again the whole world.

>Kung ang diyos may mercy (awa, habag) sa iyo, we could do it on our fellow men 🙂

————————————————————————————————————————-

2. PAULIT-ULIT na NAGPAPALA

> Sinong Kristiyanong Marunong ang ayaw sa pagpapala ng Diyos? Naalala ko ung kanta ng planetshakers na “DO IT AGAIN”! Yeah!

>Minsan may nasasabi tayong di tayo worthy sa pagpapala… pero binigay parin sa iyo ng Diyos. So praise Him for He gives us blessings!

>James 1:17 – Every good gift and every perfect gift is from above,

————————————————————————————————————————-

3. PAULIT-ULIT na PAGBIBIGAY NG ARAW at BUHAY

> “Magmulat ng mata, langit nakatawa….” hehe… Iyong pagbukas ng iyong mata, pagalis sa muta, pag-unat unat mo, paghikab at paglanghap ng hangin ay lahat nagmula sa paulit-ulit na pagbibigay ng buhay ng Panginoon! Ooops, di lang ikaw kasama na hayop, halaman,  pag-ikot ng oras at mundo —EVERYTHIN’!

> Kaya don’t complain pagising o sa buhay, magpasalamat dahil may araw nanaman na pwede tayong maging productive at maranasan muli ang kabutihan ng Panginoon sa atin.

>Ung iba ang daming nirereklamo sa buhay, pero ang Kristiyanong Marunong ay alam i treat na ang buhay nila ay by God’s grace and should be worthy to be grateful of.

>Mas maraming bagay ang karapat-dapat na igalak kaysa sa mga problemang iilan lamang na inimumukmuk

>This is the day the Lord has made;
We will rejoice and be glad in it. – Psalms 118:24

[check out my QuotaBLESS about this HERE! – YOU MADE MY DAY]

————————————————————————————————————————-

4. PAULIT-ULIT na PAGPAPATAWAD

> “You may walk a thousand steps away to God but it takes 1 step back to God”

> Ang diyos handang magpatawad nang paulit-ulit para sa iyo. Walang sukat ng kasalanan na di kayang patawarin ng ating Panginoong Hesus. Kung sincere at pure ang puso mo sa paghingi ng tawad sa kanya, automatically, patatawarin ka niya

> Di mo na kailangang pasakitan ang sarili, ang Diyos natin ay hindi gustong masaktan ang kanyang mga anak, dahil tinapos na niya ito sa krus

> Kung ang mga magkasintahan ay may linyang -“Paulit-ulit nalang, sawa na ako”, sa Diyos naman – “Hindi ako magsasawang patawarin ka, Anak”

> If we confess our sins, he is faithful and just and will forgive us our sins and purify us from all unrighteousness. I John 1:9

> Kung kaya ng Diyos patawarin ka, makakaya mo ring magpatawad ng iba

————————————————————————————————————————-

5. PAULIT-ULIT na PAGSUBOK

> It does not mean everyday ha? Ung pagsubok na parte na ng buhay at hindi nawawala. Dahil sa mga pagsubok na ito, nagiging matatag tayo sa buhay, mas naeexercise natin ung faith natin sa kanya at mas nagiging mature tayo.

>Hindi perpekto ang buhay, dapat may pagsubok, kaparaanan narin ito ng Panginoon ng pagtuturo sa atin sa buhay, pagdidisiplina dahil mahal niya tayo at higit sa lahat kaparaanan niya rin ito para hindi ka mawalay sa kanyang piling.

>Minsan sa pagsusulit o pagsubok sa buhay tayoy bumabagsak dahil ung freewill natin na gawin ang tamang aksyon sa pagsubok ay hindi nananaig. Maraming pagsubok or test na makikita natin sa bibliya na dapat kasama ang Diyos upang malampasan mo ito.

> Hindi ka bibigyan ng Diyos ng pagsubok na hindi mo kaya. Siya rin mismo ang sasama sa iyo sa pagsubok na iyan kapatid.

> at pagkatapos ng pagsubok ay doon mo makikita ang experience at kapangyarihan ng Diyos sa buhay mo.

[CHECK OUT HERE POST ABOUT THIS ON MY REFLECTION: PINAYUKONG PALITO]

> James 1:2 Consider it pure joy, my brothers and sisters, whenever you face trials of many kinds

————————————————————————————————————————

6. PAULIT-ULIT na makikinig sa iyong Panalangin

> Ang tenga ng panginoon ay hindi maikli para makinig sa atin.
Just continue to pray for it.

> God’s answer would be a YES, NO or wait. God will give you impressions on your prayers if you really need to pray for it or not. If it is on Good motive, Good heart and on God’s will – it would be answered. God’s choice will prevail.

[SPEAKING OF PRAYER…. CHECK OUT HERE: ANG PAGDULOG]

>Philippians 4:6 – Be careful for nothing; but in every thing by prayer and supplication with thanksgiving let your requests be made known unto God.

———————————————————————————————————————–

7. PAULIT-ULIT na Nagpapagaling

> Saan po tayo nagpapasalamat kung gumaling tayo? Sa gamot? sa Doktor? Ang pagpapagaling ay nagmumula sa Diyos! Ung mga nabangit ay instrumento lamang ng Diyos upang ika’y gumaling

> Kung healing ang pinaguusapan di lang pang pisikal, kasama ang emotional, spiritual.

> Sabi ng isang pastor na kilala ko, “Ang taong naniniwala sa milagro ng Dios ay nagpapatotoo, Ang taong di naniniwala sa milagro ay walang Dios na totoo.” Miracles do happen mga kapatid ko. In God’s perfect time, He would show his great miracle of healing.

>If Jesus’ is same yesterday, today and forever, so as His miracles and healing!

>He himself bore our sins in his body on the tree, so that we might die to sins and live for righteousness; by his wounds you have been healed. 1 Peter 2:24

———————————————————————————————————————-

8. PAULIT-ULIT na Pagpapalo (with LOVE)

> Hebrews 12:6-8 “because the Lord disciplines the one he loves,and he chastens everyone he accepts as his son.Endure hardship as discipline; God is treating you as his children. For what children are not disciplined by their father? If you are not disciplined—and everyone undergoes discipline—then you are not legitimate, not true sons and daughters at all.”

> Wag po tayong magmukmuk kapag pinapalo po tayo ng Diyos. Minsan ang tinitignan natin ung mismong pamalo, dapat ang tignan natin ung NAMAMALO, ung amang gusto kang turuan at maging “mature” kaya pasakop tayo sa Diyos Ama na tunay na marunong.

> Tandaan po natin na PAGPAPALA din ang PAGPAPALO —–ng Diyos.  Nangangahulugan lamang ito na ayaw ka niyang mapariwara at ayaw ka niyang mas mapahamak pa sa buhay! AMEN sa ating Diyos Ama!

————————————————————————————————————————

9. PAULIT-ULIT na Katapatan

> Isa lang ang Tapat – ang Diyos! Tapat sa kanyang mga salita at pangako!

>Hebrews 13:8 – Jesus Christ the same yesterday, and to day, and for ever.

> Let God and Let go. Lean on the promises of His Words dahil SUBOK na yan – Convincing! 🙂

[Mablebless ka rito sa QuotaBLESS ko click HERE- “TAPAT”]

————————————————————————————————————————

10. PAULIT-ULIT na PAGMAMAHAL

> Ang lahat ng nabanggit na paulitulit sa taas ay nagpapatunay lamang na MINAMAHAL tayo ng Diyos. Magmula umpisa noong ginawa ang tao hanggang ngayon, Pag-ibig at pagmamahal ng Diyos ang nananaig.

>John 3:16  “For God so loved the world, that he gave his only Son, that whoever believes in him should not perish but have eternal life.

> GOD LOVES YOU! He is serious and meant it from His heart. Kaya binigay niya si Jesus dahil sa pag-ibig sa atin na maibalik muli ang tao sa dapat niyang kabilangan —- sa piling ng Panginoon! Can you give me an AMEN for that?
> Hebrews 13:5 – “…I will never leave you nor forsake you.”

[Check HERE my reflection of God’s Love through — BASAHAN]

———————————————————————————————————————–

Astig talaga si Lord! I am so blessed on making this pauli-ulit blog! Can you share testimonies about this paulit-ulit ng Panginoon? You could give your thoughts and comments below. Thank you and may the Lord Jesus Christ bless your day! Why say a little prayer of thanksgiving to the Lord if you are blessed in this? Until next time mga Kristiyanong Marunong 🙂

CLICK and CHECK OUT my entries on these categories :

>QUOTABLESS

>Kristiyanong Reflections

>KM’s TIDBIT QUOTES

>TOP-Silogs

LIKE US AT FACEBOOK: HERE

FOLLOW US AT TWITTER: HERE

ADD ME UP as FRIEND sa FACEBOOK: HERE

COMMENT, LIKE, SHARE BELOW :)
Advertisements

LinggoTOchurch!

keep-calm-and-go-to-church

“Ang Kristiyanong Marunong

Alam pahalagahan ang pagpunta sa church sa Linggo…”

[kaya guys? “LINGGOtoCHURCH]

PSALMS 84:10 Better is one day in your courts than a thousand elsewhere; I would rather be a doorkeeper in the house of my God than dwell in the tents of the wicked.

Mat 6:33  But seek first his kingdom and his righteousness, and all these things will be given to you as well.

WE HAVE ALL OUR DAYS AND WHY DON'T WE GIVE THIS DAY FOR HIM? SA LAHAT
NG KABUTIHAN, BLESSINGS, PAGPAPATAWAD AT PAGMAMAHAL NA BINIGAY NG 
DIYOS AY NARARAPAT LAMANG NA PASALAMAT ATPAPURIHAN NATIN ANG DIYOS.

GOD BLESS SA LAHAT NG KM'S NA PUPUNTANG CHURCH, THE LORD IS WAITING!