Ang Basahan…

Kahit nga ang  Basahan may basahan

purpose parin…

Mas lalo.. na ikaw na minahal at special na tao sa harap niya…

May purpose parin!!

Don’t think your self and

your life as RAGGED but think that you are God’s BELOVED!”

Ephesians 1:6

“To the praise of the glory of his grace, in which he has made us accepted in the beloved.” 

Jeremiah 29:11

For I know the plans I have for you,” declares the LORD, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.

Psalm 138:8

The Lord will fulfill his purpose for me; your steadfast love, O Lord, endures forever. Do not forsake the work of your hands.

Romans 8:28

And we know that for those who love God all things work together for good, for those who are called according to his purpose.

Ang Pagdulog

ImageIsang araw may isang ordinaryong kristiyanong kailangang pumunta sa opisina ng Presidente ng Pilipinas dahil may adbokasiya siyang isinusulong tungkol sa issue ng talamak na droga at sugal sa kanilang probinsya. Siya ay ang leader ng isang NGO na mga kristiyanong nakikialam sa issue ng bayan at kumakatok sa mga matataas na politiko sa ating bansa.

Dala ang mga research, mga ebidensya, full pack siya para i meet ang pangulo. Dumaan siya sa Guardia ng Gate. Sabi sa kanya, “Palista po kayo. maghintay po kayo kasi po iveverify pa po namin ito sa loob”. Mga siguro 20-30 minutes pinapasok na ang kristiyano.

Desidido talaga ang leader na ito at makikita ang passion. Kung baga sinasabi ng mga mata nya, “THIS IS IT, pansit!”.

Di kalayuan, may nakita nanaman siyang Guardia. Nasa isip ni kristiyano, “Ngek, akala ko diretso na sa opis ng pangulo?”. at nakita nya…. MAY PILA.

Sige at pumila siya. Mga siguro 15-20 katao. May naririnig siyang nagkwekwentuhan na sila ay mga leader ng party list, ung iba ay nagsusulong ng request na katulad nya, atbp.

At ganun din ang ginawa ng pangalawang gwardia, pinaupo muna sila at magantay dahil…. ichecheck ng secretary ang mga tao na makikipagpulong sa pangulo. At sa isang sulok umupo kami na mga pumila. Oras ang lumilipas, mejo nakakagutom at tiis lang mga nagaantay. Buti nalang may baong crackers man lang at malamig na inumin ang ating bida.

Sa gitna ng pagaantay, almost drained out na ang mga nagaantay, siguro mga apat nalang sila kasama si kristiyano. Nang biglang….

May limosine na dumaan kasama ang maraming gwardiang escort mabilis pumunta papuntang main house ng tangappan. Plate number – 1. WOW, nabuhayan ng loob ang mga pumipila dahil anjan na ang pangulo!

Biglang appearance check ang iba. Iyong iba naman may pabulong na practice ng sasabihing dialogue.

Sa wakas, tinawag na ng gwardia ang ating bida. Pagpasok sa bulwagan na iyon nakita nya ang secretary at pasigaw na, “Mr.Contreras, Available na po kayo sa meeting nyo sa presidente, diretso po kayo sa main house, ito po ang passes, sumama nalang po kayo sa gwardia”. Abay napapaYES ang kristiyano dahil alam nya na malapit na siya. Dumating na sa secretary ang ating bidang kristiyano. “Sir, eto na po iyong schedule nyo kay Pangulo.” May isang papel na natatakan at nakasulat doon ay “MEETING AFTER 5 months”. Marami pa palang pending na gusto imeet ang pangulo.

Gulat ang kristiyano dahil after 5 months pa niya makakausap na personal ang pangulo. Umalis na lamang siya at umupo sa katabi ng gwardia ng gate. Nakita niya ang isang nakamagarang kotse na dumaan sa tapat ng gate dali daling binuksan ang gate ng gwardia at bumukas ang bintana ng kotse kumaway sa gwardia.

“Good Morning po, Sir!” sabi ng gwardia. “Hello po Mang Teng, andiyan na si daddy?” sabi naman ng tao. Iyon pala ay ang anak ng presidente! “Anjan na po ang pangulo sir”, sambit ng gwardia. Sabi ng anak, “Salamat Mang Teng, may request kasi ako sa kanya, alam nyo na, para sa school, sige po”.  At madali lang siya na dumaan patungong main house ng walang aberya.

Nakita lahat ng kristiyano ang nangyari at nalungkot siya at pagod na umuwi. Napagtanto nya na sana siya ay naging anak nalang ng presidente para madali nyang ilaban ang mga dapat ipaglaban.

———————————————————————————————–

Ang hirap diba pag makikipagkita sa mataas na opisyal, personalidad? Grabe ang tatahakin. Iniisip ko pano ko mamemeet ang paborito kong artista parang imposible? PERO……..

Naniniwala ako ng Buong puso na kahit di tayo ANAK ng kung sinong mataas na tao, Tayoy itinuring na ANAK ng DIYOS. Were adopted by his grace and forgiveness na kung ano ang karapatan ng tunay na mga anak ay kaparte din po ang mga adopted! AMEN. Dahil kay Hesus, malaya po tayo at walang aberya, walang pila-pila, walang sabit na dudulog sa tanggapan ng Panginoon. AMEN? Binuksan po ang langit para sa ating lahat. At kung mananalangin ka sa dudulog sa kanya, ikaw ang VIP ni Lord.

Matthew 7:7-8 “Ask and it will be given to you; seek and you will find; knock and the door will be opened to you.” For everyone who asks receives; the one who seeks finds; and to the one who knocks, the door will be opened.

Matthew 18:19 “Again, truly I tell you that if two of you on earth agree about anything they ask for, it will be done for them by my Father in heaven.”

—-> wala pong sinasabi na dadaan pa sa mga anghel, santo, or secretary. DIRETSO kay LORD

Mark 11:24 Therefore I tell you, whatever you ask for in prayer, BELIEVE that you have received it, and it will be yours.

Kung iaacknowledge po natin na may PLACE tayo sa kayamanan at karapatan kay Lord Jesus dahil alam mo na ikay itinuring nyang ANAK, Im sure matutuwa ang Diyos dahil siya ay itinuturing mo ring AMA.

Ang Kristiyanong Marunong ay alam na may Place siya sa mga privilehiyo at blessing ng langit na nagmumula sa Panginoon. #DahilTayoyAnakNiya.