Pinayukong Palito

Image

Napansin ko talaga at napukaw sa aking damdamin itong palito.

Kapag sinisindihan siya, yumuyuko pagkatapos ng apoy. Natry nyo na ba?

Subukan nyo sindihan tapos patapusin nyo ang apoy, around 70-90% chance of pagyuko.

Tayo din na mga kristiyano, kung asa apoy tayo ng problema, pagkalito, pagkabahala, marunong tayong yumuko.

Actually, hindi lang yung apoy kasama, pati iyong pagkiskis sa gilid ng kahon ng posporo na hinahalintulad sa

mga hinanakit, hapdi at kasakitan sa buhay.

Ang lahat ng ito’y nagdudulot ng apoy sa buhay! Ngunit ang palito ay yumuyuko!

Ang isang matigas at tuwid na palito ay napapayuko din!

Tulad ng palito, Ang Kristiyanong Marunong, alam manalangin at yumuko sa harap ng Diyos. Wala tayong magagawa kung wala siya.

Ang Diyos hindi ka niya bibigyan ng pag-subok na hindi mo kaya. Bago ka matupok sa apoy, ay hihipan na ito ng Diyos.

At sa pag-ihip niya sa apoy ay ikaw ay magiging malakas at mapapagtagumpayan mo ang anumang apoy ng buhay.

Masasabi mo nalang, “Ang lahat ng kabutihan ay galing sa Diyos, papupurihan ko siya dahil sinamahan niya ako.”

Tandaan na laging siya’y pagkatiwalaan dahil siya ay TAPAT mula noon,
hanggang sa ngayon at maging kailanman – walang palya! at subok na!

In his presence, we find release, we find hope, we find strength.

Psalm 4:1

“Answer me when I call to you, O my righteous God. Give me relief from my distress; be merciful to me and hear my prayer.”

Advertisements