Sardinas at Itlog

wokGumising nanaman ako! It’s a brand new day! Thank God I’m alive!

Lumabas ako sa bahay at damhin at umaga, sobrang nakakamangha!

Nakita ko nanaman ung manok ng kapitbahay. Papalabas lang ng manok doon sa kahon namin (mukhang napagdiskitahang matulog ng manok duon). Well, panibagong pagscratch nanaman sa lupa ang gagawin ng manok sa buhay nya.

Samantala, Nakita ko si mama diretsong kusina para kunin ang ihahandang almusal. Kinuha niya ang tatlong sardinas.  Iyong tatlong sardinas ay dala ni papa. Galing sa stock niya doon sa bukid na suppose to be na reserve para sa mga trabahador niya para ipakain sa kanila sa oras ng pangangailangan.

Well, I thank God, siyempre may makakain! Hinahanda na ang sibuyas, bawang at patatas!

Pinapabukas na sa akin ang tatlong sardinas at may napansin ako…

May bulge ung sardinas (pag nagkaganoon ibig sabihin reject or napasukan na ng hangin ung sardinas). Nakupow!

Dalawa sa sardinas ang nagbulge. Iyong isa pasado! (Praise God parin!)

Sabi ko kay mama, siguro dahil sa excessive heat doon sa pinaglagyan ni papa kaya ganoon (Pa-theory theory pa ako, LOL).

At may reflection ako! Sabi ko kay mama mabuti nalang di ipinakain sa mga trabahador ni papa itong sardinas dahil baka mafood poison pa sila! Everything works together for good!

Actually, binuksan ko ung buldged sardines at wag nyo na alamin ang nangyari haha. (Power of Imagination)

Well, in short, itinapon ko nalang sa labas ang mga reject. Nakapanghihinayang na mababawasan ang almusal dahil marami pa kaming kakain kasama ng kapatid ko. Well pagtiyagaan ang isang pirasong sardinas na ginisa bawiin nalang sa kanin.

Meanwhile, habang pabalik ako sa bahay nakita ko ung kahon na pinatulugan ng manok. Parang hinihikayat akong lapitan iyong kahon!! Parang kinikindatan ako ng kahon. Nasa mataas na parte ng pinaglalagyan ang kahon, kumuha ako ng upuan, tinignan ko ang kahon at guess what!

May ORGANIC EGG!!! sa madaling salita, NATIVE EGG, LOL, nangitlog ang manok duon sa kahon! 3 ITLOG! (organic egg kasi tinawag sa native egg sa mall, mas mahal kesa sa egg from broiler- Pinasosyal lang)

Kinuha ko ung dalawa, iniwan ko ung isa, (HEHE)

Dinala ko kay mama, sabi niya, “BLESSING”

Akalain niyo yun? AMEN talaga. Simpleng bagay lang ito, pero pinapakita lang na ALL THINGS WORK TOGETHER for good!!

Completo na ang recipe, sardinas saute on garlic, onions, potatoes with egg! THE BEST talaga si Lord!

IMG470

Ito ung actual footage at caught in the act na kahon na pinagtambayan ng manok. Isa nalang ung egg, ung dalawa… alam nyo na ehehe.. 🙂

Praise God for all things work together for good for those who love Him!